Bilang dating miyembro ng Culinary Workers Union Local 226 na minsang nagtrabaho bilang cocktail waitress sa Caesars Palace para matustusan ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo, si Jacky ay sumusuporta sa mga polisiyang maka-manggagawa at isa nang matibay na kakampi sa gobyerno ng mga manggagawang taga-Nevada.
Naniniwala si Jacky na dapat ay sapat na ang isang trabaho lamang at ang mga nagsusumikap na mamamayan ng Amerika ay nararapat na makatanggap ng patas na sahod at benepisyo, kasama na ang de-kalidad na healthcare at matatag na pagreretiro. Siya ay masigasig sa kanyang adbokasiya para sa karapatan ng mga manggagawa na makipag-negosasyon para sa mas mataas na pasahod, mas ligtas na lugar ng trabaho, at mas patas na pagtrato.
Sa Senado, tumulong si Jacky na ipakilala ang PRO ACT upang pagtibayin ang karapatan ng mga manggagawa sa buong bansa na makapagtatag ng unyon at makipag-negosasyon para sa mas magandang sahod at benepisyo. Sinusuportahan niya ang pagtaas ng pederal na minimum wage, ang pag-obliga sa pagbibigay ng patas na sweldo para sa patas na trabaho, ang gawing mas abot-kaya ang child care, at ang mabigyan ang mga manggagawa ng garantisadong bayad para sa mga parental, medikal, at caregiving leave, pati na rin ang garantisadong bayad sa sick leave. Isa rin si Jacky sa mga nangungunang tagapagtaguyod sa Senado na lumalaban para masigurong kasama sa pondong pederal ang umiiral na wage standards ng Davis-Bacon at Project Labor Agreements upang matiyak na ang mga proyekto ay natatapos nang tama at sa takdang panahon ng mga mahuhusay na manggagawa.
I-click ang isang opsyon para makapag-simula. Kung nai-save mo na ang iyong impormasyon sa pagbabayad sa ActBlue Express, agad na papasok ang iyong donasyon.