Sa Senado, palaging nakikipagtulungan si Jacky sa mga Republicans at Democrats para maghatid ng serbisyo sa Nevada. Nakapagpasa siya ng mga bipartisan na batas para muling itayo ang mga imprastraktura ng Nevada at protektahan ang mga beteranong na-expose sa mga nakalalasong burn pits. Nanindigan siya laban sa mga lider ng sarili niyang partido para mabigyan ng mas marami pang pondo ang seguridad sa border at nanindigan din para sa mga pulis laban sa mga pag-atake sa kanila. Nagtatrabaho rin si Jacky kasama ang iba’t ibang panig para makakuha ng mas marami pang pamumuhunan sa mga teknikal na training programs at apprenticeships upang ang mga nagsusumikap na mamamayan ng Nevada ay mabigyan ng kasanayang kanilang kakailanganin para sa mga trabahong may magandang sweldo – kahit pa hindi sila nakapag-kolehiyo. Dahil sa kanyang track record, si Jacky ay kinilala bilang isa sa mga pinaka-bipartisan, independyente, at mahusay na Senador ng bansa sa kanyang unang termino.