Matibay na sinusuportahan ni Jacky ang karapatan ng mga kababaihan na magpasya para sa kanilang sariling kalusugan – malaya sa panghihimasok ng mga pulitiko. Palagi siyang maninindigan para sa kalayaang pang-reproduksyon ng mga taga-Nevada at lalaban kontra sa mga pagtatangka ng mga sukdulan na Republikano na ipagbawal ang aborsyon sa buong bansa.
Matapos baliktarin ng Korte Suprema ang Roe v. Wade, patuloy na nagsasalita si Jacky para protektahan ang karapatang pang-reproduksyon sa pederal na batas at labanan ang mga pag-atake ng mga Republikano sa karapatan sa aborsyon. Tumulong din si Jacky sa pagpapakilala ng Women’s Health Protection Act upang mapagsama ang mga proteksyon ng Roe v Wade sa pederal na batas at protektahan ang access ng mga kababaihan sa mga kritikal na reproductive care. Itinataguyod din niya ang batas na pumoprotekta sa mga kababaihan at mga doktor mula sa pag-uusig ng mga estadong kontra sa aborsyon dahil sa paghahanap nila ng reproductive care sa mga estadong tulad ng Nevada. Dagdag pa dito, matibay siyang nanindigan laban sa mga pag-atake ng mga huwes na kontra sa aborsyon na naglalayong ipagbawal ang access sa mga FDA-approved na gamot pang-aborsyon na ilang dekada nang ligtas na ginagamit ng mga kababaihan.
Libu-libong mga kababaihan ng Nevada ang umaasa sa Planned Parenthood at mga health centers para sa mga prebentibong serbisyo katulad ng birth control at cancer screenings, kaya naman nilalabanan ni Jacky ang mga pagsisikap para tanggalan ng pondo ang mga organisasyong ito. Salamat sa kanyang matibay na rekord ng paninindigan para sa kalayaang pang-reproduksyon, si Jacky ay inendorso ng mga mapagkakatiwalaang organisasyong pro-choice katulad ng Planned Parenthood Action Fund, Reproductive Freedom for All, at EMILYs List.
I-click ang isang opsyon para makapag-simula. Kung nai-save mo na ang iyong impormasyon sa pagbabayad sa ActBlue Express, agad na papasok ang iyong donasyon.