Tinitiyak ni Jacky na ang Kongreso ay nagtra-trabaho para sa mga tao at iwinawaksi ang mga dating makalumang laro ng Washington. Pinapangunahan niya ang pagreporma sa Washington sa pamamagitan ng pagpigil sa mga Miyembro ng Kongreso na kumolekta ng kanilang sweldo kung hindi nila maipapasa ang budget sa itinakdang oras at ang pagpasa ng kanyang bipartisan bill para matiyak na ang mga corrupt na miyembro ng Kongreso ay hindi makakatanggap ng pensyon mula sa buwis ng taumbayan. Sinusuportahan din niya ang batas na naglalayong magpahinto ng impluwensya ng mga lobbyists sa Washington sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga dating miyembro ng Kongreso na mag-lobby at sa pagdagdag ng transparency at pananagutan.
Ang pagrereporma ng sistema sa Washington ay nangangahulugan din ng pagsasaayos ng ating baluktot na sistema sa campaign finance. Ang desisyon ng Korte Suprema sa Citizens United ay nagpabago ng tanawin ng ating demokrasya dahil pinayagan nito ang mga bilyonaryo at mga korporasyon na may espesyal na interes na magbuhos ng walang hangganang pera sa ating mga eleksyon. Sinusuportahan ni Jacky ang pagbabago ng konstitusyon para baligtarin ang mapaminsalang desisyon na ito at maibalik ang kapangyarihan sa mga botante.