Palaging inuuna ni Jacky ang mga pamilyang taga-Nevada sa halip na mga pulitiko at mga may espesyal na interes sa Washington na nagbabanta sa daan tungo sa de-kalidad at murang pangangalaga ng kalusugan. Araw-araw niyang ipinaglalaban ang pagpapababa ng presyo ng healthcare at mga gamot, pagharap sa kakulangan ng mga doktor at nars sa Nevada, at pagdagdag ng telemedicine at healthcare sa kanayunan.
Sa Senado, tumulong si Jacky sa pagpasa ng isang bagong batas upang ang presyo ng insulin para sa mga seniors ay hindi na tumaas pa ng higit sa $35 at para mabigyan ng kapangyarihan ang Medicare na makipag-negosasyon upang mapababa ang presyo ng mga gamot; at naipasa niya ang kanyang bipartisan na batas para palawakin ang mobile health clinics at madagdagan ng access sa healthcare ang mga lugar sa Nevada na may kakulangan ng serbisyo. Isinusulong din ni Jacky na masiguro na maging ang mga mamamayan ng Nevada sa kanayunan ay may access sa maaasahan at abot-kayang healthcare na karapat-dapat sa kanila sa pamamagitan ng pagpapakilala ng bipartisan na batas na magbibigay ng mga insentibo sa mga tagapagbigay ng serbisyong medikal na magtrabaho sa mga komunidad na salat sa serbisyo. Kumikilos siya para mapababa ang mga presyo para sa mga pampamliyang caregivers at matatag na naninindigan upang maprotektahan ang benepisyong Medicare para sa ating mga seniors.