Ang mga nagsusumikap na taga-Nevada ay napipiga na sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pang-araw-araw na pangangailangan katulad ng pabahay, gasolina, mga pangunahing bilihin, child care, at marami pang iba. Sa Senado, si Jacky ay nagsisikap na mapababa ang presyo ng gastusin para sa mga nasa middle class, madagdagan ang paghinga ng mga pamilya, at makapagtatag ng ekonomiyang patas sa mga manggagawa at maliliit na negosyo.
Tumulong si Jacky na maipasa ang makasaysayang batas na nagsasaad na ang presyo ng insulin para sa mga seniors ay hindi maaaring tumaas nang higit pa sa $35 kada buwan at nagbibigay sa Medicare ng kapangyarihan na makipag-negosasyon para mapababa ang presyo ng mga nakaresetang gamot. Patuloy niyang ipinaglalaban na mapababa ang presyo ng insulin at iba pang mga gamot upang maging mas abot-kaya ng lahat ng mamamayan ng Amerika. Siya ay lumalaban din kontra sa pagpapataas ng presyo ng mga Big Oil at mabigyan ng proteksyon ang mga taga-Nevada laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina. Itinutulak din niya ang pagpapatayo ng mas maraming pabahay na abot-kaya ng mga karaniwang mamamayan ng Nevada, mapigilan ang patuloy pang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at pangunahan ang bipartisan effort para madagdagan ang pagkakaroon ng de-kalidad at abot-kayang child care para sa mga pamilyang taga-Nevada. Sinusuportahan din ni Jacky ang pagbabawas ng mga buwis sa middle class upang mabigyan ng kaluwagang pang-ekonomiya ang mga pamilyang higit na nangangailangan nito.
Si Jacky ay nakatutok din sa pagpapalago ng ekonomiya ng Nevada para sa hinaharap. Isa siya sa mga sumulat ng makasaysayang Bipartisan Infrastructure Law at naging mahalagang bahagi siya ng pagsulat ng mga probisyon nito ukol sa pagpapalawak ng broadband access at sa modernisasyon ng mga paliparan sa buong bansa. Ang bagong batas na ito, na tinulungan niyang maisulat at maipasa, ay kasalukuyan nang nagbibigay sa mga unyon ng libu-libong trabaho na may magandang pasahod at nagbibigay ng bilyon-bilyong dolyar na pondo para sa mga proyekto ng Nevada, katulad ng pagpapagawa ng mga mas ligtas na daan, mas mahusay na paliparan, mas mabilis na internet, malinis na inuming tubig, at marami pang iba. Matagumpay din niyang pinangunahan ang bipartisan effort para makakuha ng $3 bilyon mula sa pederal na gobyerno upang magawa ang matagal nang inaasam na proyektong high-speed rail infrastructure na magdurugtong ng Southern California at Las Vegas.
Ang pagsulong ng natatanging ekonomiya ng Nevada ang pangunahing prayoridad ni Jacky. Bilang tagapangulo sa Senado ng subcommittee na nangangalaga sa turismo, matagumpay na naipaglaban ni Jacky ang karagdagang suportang pederal para sa travel at hospitality upang matiyak ang patuloy na pag-unlad ng pangunahing industriya ng Nevada. Bilang miyembro ng Small Business and Entrepreneurship Committee ng Senado, si Jacky ay nakikipagtulungan sa ibang partido upang mabawasan ang red tape sa mga nagsisimula pa lamang na maliliit na negosyo at upang mas mapalawak pa ang oportunidad na makapag-negosyo ang mga estudyante na nasa mga Minority Serving Institutions. Alam ni Jacky na ang ekonomiya ng Nevada ay nakadepende sa pagpapalago ng mga bagong industriya, katulad ng cannabis, kung kaya’t siya ay walang tigil sa pagkilos upang matiyak na ang industriya ng cannabis ay mayroong kapantay na daan sa pondong pederal para sa maliliit na negosyo at mga serbisyong pang bangko.
I-click ang isang opsyon para makapag-simula. Kung nai-save mo na ang iyong impormasyon sa pagbabayad sa ActBlue Express, agad na papasok ang iyong donasyon.