Ating harapin ito: hindi na nakokontrol ang abot-langit na pagtaas ng presyo ng pagbili ng bahay o ng kakayahang umupa nito. Ang tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga ito ay nagdudulot ng matinding kahirapan sa mga nagsusumikap na taga-Nevada at kumikilos si Jacky para masolusyonan ito.
Tumulong si Jacky na makakuha ng $500 milyon para sa estado ng Nevada upang makalikha ng mas maraming opsyon sa pabahay ang mga nagsusumikap na pamilya sa pamamagitan ng American Rescue Plan, kung saan kasama na ang milyun-milyong dolyar para sa mga kanayunan.
Dahil sa biglaang pagdami ng mga institusyonal na kapitalista na bumibili ng mga single-family homes, kumikilos si Jacky upang mapigilan ang pagmamanipula ng presyo sa merkado ng pabahay at mahabol ang mga corporate investors na intensyunal na nagpapataas ng presyo ng pabahay sa buong estado. Tumulong din siya sa pagpapakilala ng isang bagong plano upang mapababa ang presyo at mabawasan ang buwis para sa mga first-time homebuyers na nangangailangan ng tulong sa pagbabayad ng downpayment. At habang ang mga pinakamalalaking lungsod ng Nevada ay patuloy na umuunlad, pinangungunahan ni Jacky ang kasalukuyang pagsisikap na mabuksan ang libo-libong ektarya ng lupa sa Washoe County na pagmamay-ari ng gobyernong pederal para mapatayuan ng mas marami pang pabahay na abot-kayang bilhin ng taga-Nevada.
I-click ang isang opsyon para makapag-simula. Kung nai-save mo na ang iyong impormasyon sa pagbabayad sa ActBlue Express, agad na papasok ang iyong donasyon.