Tungkol sa mga isyu

Pino-protektahan ang ating kapaligiran at lumalaban sa climate change

Nangunguna si Jacky sa laban para harapin ang krisis sa klima, paglipat sa ekonomiyang pinapatakbo ng clean energy, at pagprotekta sa mga pampublikong lupain at likas na yaman ng Nevada.

Ang boto ni Jacky ang tumiyak sa pagpasa ng pinakamalaking pamumuhunan sa kasaysayan ng ating bansa para tugunan ang krisis sa klima. Ang batas na iyon ay naghahatid na ngayon ng makasaysayang pondo sa Nevada upang malabanan ang lumalalang epekto ng climate change, agarang masimulan ang mas abot-kayang clean energy, at gawing mas madali ang pagbili ng mga kotse na walang emisyon na makakabawas ng mapaminsalang polusyon at makakabawas din ng ating pagkadepende sa langis na nagmumula sa ibang bansa. Dahil sa sagana ng enerhiya mula sa solar, hangin, geothermal, at mga mahahalagang yamang mineral, ang Nevada ay may pagkakataong mamuno sa buong bansa na makakapagbigay ng mga trabahong may magandang pasahod dahil sa clean energy sa mga darating na panahon.

Kumpara sa ibang estado, ang Nevada ay may mas maraming trabaho para sa bawa’t tao sa industriya ng solar, at iyan ang dahilan kung bakit pinangungunahan ni Jacky ang ilang taon nang laban sa Kongreso kontra sa nakasasamang mga taripa sa solar. Hinamon niya ang parehong partido para labanan ang mga retroactive na taripa na papatay sa mga trabaho sa industriya ng solar sa Amerika, magtataas ng presyo ng enerhiya, at sisira sa ating daan patungo sa malayang paggamit ng clean energy.

Mahigit sa 80% ng lupain sa Nevada ay pag-aari at pinamamahalaan ng pederal na gobyerno, at pinangungunahan ni Jacky ang pagsusumikap na protektahan ang milyun-milyong ektarya sa buong Nevada para sa pangangalaga ng kapaligiran sa estado. Siya ay isang matibay na taga-suporta sa pagtatalaga ng Avi Kwa Ame bilang isang Pambansang Monumento sa Southern Nevada, at ngayon naman, siya ay nakikipagtulungan kay Senator Catherine Cortez Masto at sa mga pamayanan ng mga katutubo para sa pagtulak na protektahan ang Bahsahwahbee bilang Pambansang Monumento naman sa Eastern Nevada. Kamakailan lamang ay nagpakilala siya ng isang panukalang batas na may malawak na suporta para protektahan ang halos isang milyong ektarya ng pampublikong lupain sa Washoe County at lumikha ng mga bagong pambansang conservation and wilderness areas para permanenteng protektahan ang kalikasan laban sa panganib na maaaring maidulot ng kaunlaran. Sa Senado, siniguro din ni Jacky ang kritikal na pondong pederal para mapanatiling bughaw at walang bahid ang tubig sa Lake Tahoe, labanan ang tumitinding tagtuyot sa kanluran na nakakaapekto sa Lake Mead, at maibsan ang lumalalang banta ng mga wildfire.

Si Senator Rosen ay may pang-habambuhay na score na 97% mula sa League of Conservation Voters dahil sa kanyang rekord ng pagboto na pabor sa kapaligiran. Ipinagmamalaki niyang miyembro din siya ng Bipartisan Climate Solutions Caucus.